Idineklarang persona-non-grata ang betaranang singer na si Leah Navarro sa General Santos.
Ito ay matapos ang Tweet nito bilang kasagutan sa tanong ng dating tagapagsalita ng korte suprema na si Theodore Te tungkol sa magkakasunod na lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo.
Ang resolusyon ay iniakda ni GenSan Councilor Atty. Franklin M. Gacal Jr, na ipinasa naman agad ng mga kongreso.
Nakasaad sa resolusyon ang pagbabawal sa singer na magtungo sa Gen San.
Magugunitang tila sinagot lamang ng singer ang katanungan ni Te tungkol sa bakit lagi sa Mindanao tinatamaan ng lindol.
Ang nasabing Tweet ay binura na at humingi na rin ng paumanhin si Te at si Navarro.
Bago pa man nabura ang Tweet ay umani na ito ng mga batikos.
Nakasaad sa resolusyon na walang karapatan si Navarro na akusahan ang mga tao sa Mindanao na nakagawa ng maling gawain kaya sila ay pinaparusahan ng MayKapal.