-- Advertisements --

Ibinunyag ng singer na si LeAnn Rimes na ito ay dinapuan ng psoriasis.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng kaniyang apektadong balat.

Isinabay nito ang pagbubunyag sa paggunita ng World Psoriasis Day.

Ikinuwento nito ang kaniyang pinagdaanang hirap sa nasabing sakit.

Pinayuhan niya ang kapwa niya na may parehas na sakit na lakasan lamang ang kanilang loob at huwag mawalan ng pag-asa.

Kasabay din ng lockdown dahil sa coronavirus ay naglabas ito ng bagong kantang “There Will Be A Better Day”.