-- Advertisements --
Inanunsiyo ng mga tour organizers na kanselado na rin ang nalalapit na concerts ni Bob Dylan sa Japan dahil sa pangamba sa coronavirus outbreak.
Ang 78-anyos na American singer-songwriter ay nakatakda sanang mag-perform ng 15 concerts sa Tokyo at Osaka sa buwan ng Abril.
“We are so sorry to cancel the shows, but in the interest of public health and safety, we are left with no alternative,” bahagi pa ng anunsiyo ng Udo Artists.
Si Dylan na Nobel Prize awardee sa Literature (2016), ay maraming pinasikat na mga awitin katulad ng “Blowin’ in the Wind” (1963), ang “The Times They Are a-Changin'” (1964) at iba pa.