-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagaling ng singer na si Gigi De Lana matapos ang masangkot sa aksidente sa La Union.

Nagtamo ng sugat sa kanilang katawan ang miyembro ng kaniyang banda dahil sa aksidente.

Galing sa Aurora at patungo sa Ilocos Norte ang grupo ng mabangga ang kanilang sasakyan sa bahagi ng La Union.

Itinuloy pa ng singer ang pagkanta sa concert nito sa Ilocos Norte subalit ito ay nawalan ng malay kaya ito ay itinigil at dinala ito sa pagamutan.