-- Advertisements --

Plano pa rin ng singer na si Gigi de Lana na ipagpatuloy ang kaniyang pagkanta at paggawa ng mga concert.

Ito ay kasunod ng nangyaring pagkakaaksidente niya kasama ang banda noong Mayo sa La Union.

Sinabi nito na inaalala niya ang kaniyang mga fans at ang pagkanta lamang ang kaniyang naging puhunan.

Magugunitang nagtamo ang singer ng minor injuries ng bumangga ang sinasakyan nila noong Mayo 14.

Galing umano sa Baler ang grupo nito at patungo sa Ilocos Norte subalit pagdating nila sa La Union ay doon na lamang sila naaksidente.