-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng singer na si Jewel ang ginawang pagtugtog niya sa inauguration ball para sa “Make America Healthy Again” movement.
Ang nasabing event ay bilang pagkilala kay Robert F. Kennedy Jr na siyang nominee ni US President Donald Trump para maging kalihim ng Health and human services.
Sinabi nit singer na kaya siya pumayag na tumugtog ay dahil isa siya sa mga nagsusulong ng paglaban sa mental health.
Naniniwala ito na kaya niyang tumulong sa mayroong mental health problems.
Paglilinaw niya na isinantabi niya ang pamumulitika dahil sa mahalaga ang paglaban sa mental health.