-- Advertisements --
Kabilang ang singer na si Jimmy Bondoc sa 3,812 na matagumpay na nakapasa sa 2023 Bar Exam.
Sa kaniyang social media account ay pinasalamatan nito ang Panginoon at ipinagdiwang ang tagumpay kasama ang mga kaanak.
Isa ang singer o James Patrick Romero Bondoc sa tunay na buhay ang nagtiyagang kumuha ng tatlong araw na pagsusulit noong Setyembre.
Sa kabuuang 10,791 na nagprehistro para magsulit ay 10,387 lamang ang nagtake ng pagsusulit.
Bumuhos naman ng pagbati mula sa kaniyang kaibigan sa labas at loob ng showbiz industry.
Taong 2017 ng magsimula ang singer na kumuha ng kursong law at siya ay itinalaga rin bilang vice president for entertainment sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong taon din iyon.