-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa New York ang singer na si Justin Timberlake dahil umano sa pagmamaneho ng naka-inom.

Ayon sa tagpagsalita ng Sag Harbor Police na galing sa isang party sa hotel ang singer.

Nakita ng mga kapulisan na pasuray-suray ang kaniyang pagmamaneho kaya kanila itong pinara.

Idinaan pa ito sa breathalyzer test at nagpositibo.

Nagpunta na rin ang mga kaibigan ng singer sa kapulisan at sinubukang kumbinsihin ang mga kapulisan na palayain ito subalit hindi pumayag ang mga kapulisan.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ng singer.