-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang singer na si Karylle Marquez dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama na si Modesto Tatlonghari.

Sa social media account ng singer ay ibinahagi nito ang malungkot na balita.

Nagpost ito ng larawan kasama ang ama at hindi nagbigay pa ng dahilan ng pagpanaw nito.

Nakaburol na ang ama nito sa Santurio De San Jose Parish sa Greenhills, Mandaluyong.

Dito ay may caption ang singer na paghanga sa namayapang ama.

Ang Ama ni Karylle ay dating asawa ng singer na si Zsa Zsa Padilla.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kasamahan nito sa industriya matapos na malaman ang malungkot na balita.