-- Advertisements --

Inanunsiyo ng singer na si Lizzo na ito ay magpapahinga muna sa kaniyang singing career.

Sa social media account nito ay nagnais niyang magpahinga para sa kaniyang kapayapaan.

Noong Marso ay una ng sinabi niya na siya ay hihinto na.

Magugunitang noong nakaraang taon ay inireklamo siya ng kaniyang mga back-up dancers ng sexual harassment kung saan pinipilit silang sumayaw ng malaswa ng labag sa kanilang loob.