KALIBO, Aklan—Magpapakilig sa bayan ng Kalibo, Aklan ang singer na si Maki o Ralph William Datoon sa tunay na buhay sa gaganapin nitong concert na inorganisa ng lokal na pamahalaan para selebrasyon ng Valentine’s Day.
Ayon kay Jay-Ar Arante, communication affairs head ng LGU Kalibo, ang concert ni Maki ay gaganapin sa Kalibo Pastrana Park, bandang alas-10:00 ng gabi kung saaan, inaasahan na dadagsain ito ng mga kabataan na umiidolo sa nasabing singer.
Ngunit, bago pa man ang pagharana ng binata ay may inimbitahan rin ang LGU na local bands and performers na mag-eentertain sa mga manonood.
Ilan sa mga kantang pinasikat ni Maki ay ang “Saan”, “Bakit” at “Dilaw”
Maliban dito, mamimigay ng mga bulaklak ng LGU sa mga individual lalo na sa mga public places upang ipadama sa mga ito na hindi sila nag-iisa sa araw ng mga puso.