Pumanaw na ang rock singer na si Meat Loaf sa edad 74.
Kinumpirma ito ng kaniyan kaanak sa kanilang Facebook page.
Hindi naman na binanggit ng mga kaanak nito ang sanhi ng kamatayan ng singer.
Ang album nitong “Bat Out of Hell” ay isa sa best-selling album of all time na nakapagbenta ng mahigit 100 milyon kopya sa buong mundo kung saan isa sa pinakasikat na kanta nito ay ang “I’d Do Anything For Love” kung saan nakakuha ito ng Grammy award.
Isinilang bilang si Marvin Lee Aday sa Dallas.
Ipinangalanan siya ng kaniyang ama bilang “Meat” dahil sa kulay pula ang balat nito na parang karne at noong high school ay idinagdag ng kaniyang football coach ang “Loaf”.
Lumabas din ito sa ilang pelikula gaya ng “Waynes World” noong 1992 at “Fight Club” na pinagbibidahan ni Brad Pitt noong 1999.
Isa ang singer na si Cher sa nagpaabot ng pakikiramay kung saan makailang beses na niya ito nakasama sa pagkanta.