-- Advertisements --

Kinilala bilang most played female artist of 21st Century ng United Kingdom ang singer na si Pink.

Ang nasabing ranking ay isinagawa ng music licensing company na PPL.

Binilang nila ang paggamit ng musika ni Pink ganun din ang pagtugtog sa mga radio stations at TV channels ng UK.

Nahigitan ni Pink ang ilang singers na sina Adele, Beyonce, Rihanna, Lady Gaga at Katy Perry.

Ang 42-anyos na singer o Alecia Moore sa tunay na buhay ay nangibabaw sa radio airwaves ng UK mula pa noong 2000.

Ilan sa mga sikat na kanta nito ay ang “Just Give Me A Reason”, “Try”, “What About Us” at maraming iba pa.