Nagreklamo ang mga abogado ng singer na si R. Kelly matapos umanong bugbugin ng kasamang inmate sa Illinois jail.
Ayon kay Doug Anton, tumatayong attorney ni Kelly, inabisuhan daw sila ng US Attorney’s Office na habang ang singer ay nasa kanyang higaan sa Chicago Metropolitan Correctional Center nang isa pang bilanggo ang lumapit at siya ay pinagsusuntok ito.
Agad namang kumilos ang mga guards sa federal facility upang awatin ang suspek.
Sa ngayon wala naman daw sugat si Kelly at wala ring anumang fracture batay sa lumabas na X-ray.
Si Kelly ay nahaharap sa mga kaso sa New York kabilang na ang racketeering at paglabag sa Mann Act na nagbabawal sa sex trafficking.
Liban nito nahaharap din siya sa federal charges ng child pornography at iba pang mga kaso sa US Northern District of Illinois.
Wala namang piyansa na itinakda nga korte.
Una nang nagpasok ng not guilty plea si Kelly sa mga kaso at nag-aantay pa ng pagdinig sa susunod na buwan.
Inihihirit ng mga abogado na pansamantalang makalaya muna si Kelly dahil daw sa COVID-19 at bilang paghahanda sa kanyang depensa.
Kung maalala kabilang sa maraming pinasikat na awitin ni Kelly ay ang “I believe I can fly.”