-- Advertisements --

Nagpamigay ng mga plane tickets para sa mga kababayan nitong locally stranded individuals (LSI) ang singer at army reservist na si Ronnie Liang.

Isinagawa nito ang pamimigay ng bumisita ito sa Rizal Stadium at Army Gymnasium kung saan nandoon nag-aabang mga LSI.

Bukod sa pamimigay ng tickets ay naghandog ito ng kanta para sa kanila.

Sinabi nito na naranasan niya noon na mawalan ng pamasahe kahit na gustong-gusto na niya umuwi.

Nanawagan na rin ito sa mga fans na magkaisa at tulungan lalo na ang mga LSI sa bansa.