-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng singer na si Ronnie Liang ang pagtatapos niya ng doctorate in development administration.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang pagtatapos.

Itinuturing niya na isang malaking achievement sa kaniyang karera ang nasabing diploma.

May caption ito ng pagkamit niya ng Ph.D in Development Administration, major in Security Development Administration sa Philippine Christian University.

Itinanggi nito na para sa plano nitong pagpasok sa pulitika ang pagkuha niya ng doctorate degree at sa halip ay personal na ambisyon.

Taong 2022 ng magtapos ito ng masters degree sa management major in national security and administration.

Bukod sa pagiging singer ay isang private pilot at army reservist din si Liang.