-- Advertisements --

Masayang sumalang ang singer na si Ronnie Liang sa seremonya ng mga piloto, bilang binyag sa kaniya na isa na ring ganap na “solo pilot.”

Makikita sa kaniyang Instagram post na nakahawak ito sa elisi ng eroplano habang binubuhusan ng tubig ng kaniyang kasamahan sa flying school.

Ang seremonya ay ginanap sa APG International Aviation Academy sa Subic, Zambales.

Si Liang ay nagsimulang mag-aral para maging piloto noong nakaraang taon at nakompleto naman ang 30 hours ng flying time.

Target ng “Ngiti” singer na makakuha pa ng dagdag na 10 hours sa papawirin para maging isang private pilot.