-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Paggawa ng mga bagong kanta para sa charity online concert ang naging paraan ng singer-song writer at actress na si Hazel Faith upang makatulong sa mga frontliners at iba pang nangangailangan sa gitna ng dinadanas na Pandemic.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Hazel Faith, sinabi niyang sumulat din siya ng kanta upang palakasin ang kanyang loob dahil hindi rin niya maiwasan ang ma stress sa mga nangyayari habang naka isolate.

” Sobrang stress na rin ako sa mga balita, ang daming negative possibilities around me. So sabi ko I needed to cheer myself up and I wrote the song Quarantine Summer. It was my way of cheering myself up and telling myself to make the best of the situation and it just happened to be in time with my charity concert last week. Meron akong dalawang charity na tumutulong sa mga frontliners, magpadala ng mga pagkain o medical equipments at sa mga iba pang nangangailangan. Gumagawa ako ng mga bagong kanta para sa charity concert. Nag o-online concert ako not for myself but to help dahil alam kong mahirap ang panahon natin ngayon.”

Game din nagbigay ng biglaan at pakantang mensahe para sa lahat na nagpapaalala ng dapat na paghawak kamay o pagbabayanihan ng lahat imbes na mag-away sa mga hindi napagkakasundoan.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ni Hazel Faith ay ang Di Na Kita Mahal, Kinikilig, Love fades at marami pang iba. Isa din siya sa mga naging hurado ng Bombo Music Festival.