-- Advertisements --
Pumanaw na ang singer-songwriter na si Justin Townes Earles sa edad 38.
Kinumpirma ito ng kaniyang representatives pero hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.
Anak siya ng country rocker na si Steve Earle.
Sumikat ang nakakabatang Earles sa kanta nitong “Yuman” noong 2007.
Nagwagi siya sa Emerging Act of the Year sa 2009 American Honor & Awards at Song of the Year noong 2011 sa kaniyang kantang “Harlem River Blues”.
Huling album na ginawa nito ay noong 2019 na may titulong “The Saint of Lost Causes”.