-- Advertisements --
Labis ang pagsisisi ng singer-songwriter na ri Ryan Adams matapos na ito ay maharap sa alegasyong sexual misconduct.
Sa kaniyang written apology, malaki ang pagsisisi niya sa maling pagtrato sa kanyang kapwa.
Noong nakaraang taon kasi ay inireklamo ito ng pitong kababaihan ng umano’y panggahasa.
Ayon sa mga biktima, tutulungan sila ni Adams na makapasok sa showbiz subalit kaniya raw muna gagahasain ang mga ito.
Maging ang dating asawa nito na si Mandy Moore ay inireklamo umano ang singer ng psychological abuse.
Hiling naman ng model at actress Karen Elson ang aniya’y personal na paghingi nang pagpapatawad ng singer.
Mula pa kasi noong 2018 ay hindi pa lumapit sa kaniya si Adams.