-- Advertisements --
meralco1

Mahigit pitong milyong customer ng power utility giant na Manila Electric Company (Meralco) ang makararamdam ng ginhawa sa kanilang mga bulsa ngayong buwan, dahil inaasahang bababa ang tariffs pass-on ng kumpanya sa July billing cycle.

Ito ang kinumpirma ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga.

Ang generation charge ay ang pinakamalaking bahagi, sa higit sa 50-porsiyento, ng lahat ng line item na ipinapasa sa buwanang singil sa kuryente ng mga consumer.

Ipinaliwanag pa ng Meralco executive na ito raw ay dahil sa mas mababang demand na kanilang naobserbahan sa pagsisimula ng tag-ulan na maaaring magkaroon ng epekto sa mga presyo ng Wholesale Electricity Spot Market.

Sa puntong ito, umaasa ang gobyerno na ang kakulangan ng kapasidad mula sa hydros ay maaaring matumbasan ng kamakailang pagbabalik sa grid ng Ilijan gas plant pati na rin ang commercial operation ng ilang greenfield asset.