-- Advertisements --
Maaaring makahinga ng maluwag ang mga customer ng Manila Electric Company (Meralco) dahil sa nakikitang mas mababang singil sa kuryente ngayong Abril.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, head ng Corporate Communications sa Meralco, ang dalawang indikasyon ng mas mababang power rate ay ang nakikitang mas mababang generation at transmission charges.
Noong Marso, matatandaan na tinaasan ng Meralco ang electricity rates ng P0.0229 per kilowatt-hour kaya ang overall rate ay tumaas ng 11.9397 per kWh mula P11.9168 per kWh noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Nagresulta ang naturang adjustment sa bahagyang pagtaas ng kabuuang bill para sa residential customers na komokunsumo ng 200kWh.