-- Advertisements --

Nag anunsyo ang Manila Electric Company (Meralco) ng dagdag singil sa bill ng kuryente para ngayong buwan ng Nobyembre.

Aakyat ng P0.4274 per kilowatt-hour ang magiging singil ng kumpanya na magdadala sa kabuuang P11.8569 per kWh na mas mataas ng halos P1 sa P11.4295 kWh na singil noong nakaraang buwan.

Sa isang panayam ay ipinaliwanag ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications, Joe Zaldarriaga, na ang dagdag singil ay dahil sa mas mataas na singil ng generation at transmission charges ng kanilang electricity supplier.

Dagdag pa nito, tumaas din daw ang charge sa kanila ng Independent Power Producers (IPPs) na tumaas ng P0.9392 kWh habang ang Power Supply Agreements naman ay umakyat sa P0.4295.

Dahil aniya dito, papatak ng P85 magiging increase sa mothly bill ng isang pamilya na kumokonsumo ng 200kWh.

Sa mga lugar naman na apektado ng bagyo, hindi aniya muna makakatanggap ng disconnection notice hanggang Disyembre ngayong taon.

Handa naman din umano ang Meralco na magpa-installment sa mga residenteng apektado ng bagyo.