-- Advertisements --

Nakatanggap ang Pilipinas ng umaabot sa mahigit 10.4 milyon na COVID-19 vaccine doses na siyang pinakamalaki at pinakamarami sa loob lamang ng isang araw na magkakasunod na delivery.

Ang mga bagong dating na bakuna ay nagmula sa mga kompaniyang Pfizer, AstraZeneca, Moderna at Johnson and Johnson.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 dumating ang binili ng gobyerno na 1,187,550 doses ng Pfizer-BioNTech sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8:00 ng kagabi.

Matapos ang isang oras ay dumating ang 2,249,400 doses ng AstraZeneca na binili ng private sector.

Sa pamamagitan naman ng COVAX Facility ay dumating din ang 2,249,400 doses ng Moderna COVID-19 vaccine.

Bukod pa rito ay nauna ng dumating kahapon ng hapon din ng Miyerkules ang 214,500 doses ng AstraZeneca na donasyon ng United Kingdom habang ang binili naman ng private sector ay umaabot sa mahigit 2.2 million.

Dumating din sa bansa ang kabuuang 3,696,900 doses ng Moderna COVID-19 vaccines mula sa Germany sa pamamagitan ng COVAX at 3,055,200 doses ng Janssen COVID-19 vaccines mula naman sa Dutch government.

Sinabi ni Assistant Secretary Wilben Mayor ang namumuno ng NTF strategic communications on current operations na mayroon ng sapat na suplay ang bansa ng bakuna kaya nararapat na samantalahin na ito ng mga tao na hindi pa nagpapabakuna at ang susunod na pagbibigay ng booster shots.