MANILA – Pinayagan na ng vaccine advisers ng US Centers for Disease Control and Prevention ang muling paggamit ng Johnson & Johnson coronavirus vaccine.
Sa botong 10 ang pabor, 4 ang hindi pabor, habang isa naman ang nag-abstain ay nagkasundo ang miyembro ng Advisory Committee for Immunization Practices ng CDC na matimbang pa rin ang benepisyo ng bakuna kumpara sa risks na dulot nito mula sa blood clots.
Inirerekomenda ng mga ito ang paggamit ng Janssen COVID-19 vaccine para sa mga indibidwal na may edad 18-anyos pataas alinsunod na rin sa emergency use authorization (EUA) na iginawad ng U.S. Food and Drug Administration.
Sumang-ayon na rin ang mga opisyal ng Johnson & Johnson na i-update ang language para sa label.
Lalagdaan umano ito ni CDC Director Dr. Rochelle Walensky saka ipapadala sa U.S. FDA upang ihanda ang amended emergency use auhtorization para sa bakuna.