Ipinag-utos ng Malacañang ang pagpapatupad ng digital at integrated pre-border technical verification at cross-border electronic invoicing sa lahat ng imported commodities na papasok sa bansa.
Layon nitong pabilisin ang inspeksyon ng lahat ng imported goods na papasok sa Pilipinas, at upang mapa-igting pa ang national security, at masiguro ang karapatan ng mga consumer, kasabay ng pag-protekta sa kalikasan, laban sa sub-standard at mapanganib na imported goods.
Batay sa Administrative Order No. 23, ipinag-utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng Committee for Pre-border Technical Verification and Cross- border Electronic Invoicing.
Ang komite na ito ay bubuoin ng secretary of finance bilang chairperson, habang ang mga kalihim ng agrikultuta, trade, energy, health, environment and natural resources at information communications technology ang magsisilbing mga miyembro.
Habang ang Bureau of Customs (BOC) ang responsable sa pagpapatupad ng electronic invoicing system, alinsunod sa strategic direction at policy guidance, international trade standards, at mga umiiral na batas.