-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay sa pamamaril ang isang single Mom na idinawit na sub leader ng Investment scam na Munificence.

Kinilala ni P/Lt Bienvenido Venus Jr, deputy chief of police ng San Isidro Police Station ang biktima na si May Sheila Garingo Villaflores 27.

Ayon kay Venus na pinasok ng suspek ang biktima habang nasa kanyang bahay sa Purok 2 Barangay Conel 8:30 ng gabi at binaril gamit ang calibre 45 pistol.

Tinamaan umano ang biktima sa kanyang mata na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Tumalilis ng takbo ang suspek at sumakay sa nakaabang na motorsiklo na nakaparada sa labas ng bahay ng biktima.

Nalaman na palagi na lamang natakatanggap ng text message ang biktima at sinisingil matapos hindi na nakapag pay out ang biktima.

Isa ito sa anggulo na sinusundan ng Pulisya dahil wala umanong natanggap na pagbabanta sa buhay.