Nakatakda raw magpulong ang National Capital Region (NCR) mayors para pag-usapan ang iisang polisiya sa pagpayag na ring makalabas ang mga minors at senior citizens.
Kasunod na rin ito ng pagsasailalim na sa Metro Manila sa mas maluwag na Alert Level 3 status sa kasagsagan ng pandemyang dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Base sa pinakahuling data, pinagbabawalan pa ring makalabas ang mga bata at seniors maging ng mga residenteng mayroong comorbidities sa Valenzuela, Quezon City, Pateros, San Juan at ParaƱaque.
Sa San Juan City naman, pinapayagan na ang mga batang lumabas pero para lamang sa essential activities.
Nais naman umanong iklaro ni San Juan Mayor Francis Zamora sa gaganaping pagpupulong kung papayagan na rin ang mga menor de edad na kumain sa labas gaya ng mga restaurants at public areas pagkatapos ng kanilang essential activity.
Una rito, sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangcona susubukan daw nilang magkaroon ng uniform policy sa Metro Manila kaugnay pa rin sa naturang isyu.
Paliwanag ni Tiangco, mahirap daw kasing kanya-kanyang polisiya ang mga local government unit (LGU) kasi magkakaroon da ng kalituhan ang mga residente.
Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ang kasalukuyang general policy ay puwedeng payagan ang mga batang makalabas para mag-ehersisyo pero doon lamang sa kanilang mga area.