Aprubado na ang resolution ng single ticketing na layon ng maibsan ang paghihirap ng mga motorista dito sa Metro manila, Nagkaroon rin ng deadline nga ang pagpapasa ng ordinansa ng iba’t ibang Local Government unit para sa kanilang traffic ordinance ay hanggang March 15 na lamang.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, Kailangan ding I-standardize ng system ang mga multa para sa 20 violations , kabilang na ang pagsasa wawalang-bahala sa mga palatandaan ng trapiko,sa traffic light, at pag-counterflow.
Ang bagong sistema ng ticketing ay magbibigay-daan sa mga lumalabag na magbayad ng multa sa pamamagitan ng digital payment channels, naunang sinabi ng Metro Manila Council (MMC).
Isasama rin ng Metro Manila ang sistema nito sa Land Transportation Office (LTO), na magbibigay-daan sa mga awtoridad na makita kung gaano karaming mga violations ang nagawa ng isang motorista, na magsisilbing batayan para sa “demerit points” Maaaring kumpiskahin ng mga awtoridad ang lisensya ng isang motorista na may 10 demerit points