-- Advertisements --
image 147

Plano rin ng Metropolitan Manila Development Authority kasama ang Land Transportation Office na maipatupad ang single ticketing system sa buong bansa.

Ito ay matapos na malagdaan kahapon ang Memorandum of Agreement kaugnay ng Single Ticketing System interconnectivity na ipatutupad sa ilang lugar sa National Capital Region.

Nakatakdang magkaroon ng pilot testing sa darating na May 2 sa pitong lungsod ito ay ang San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Manila, and Caloocan.

Pagkatapos umano nito, at maging successful ay maaari nang mapaghandaan ang pagpapatupad rin nito maging sa iba pang lugar sa bansa.

Layunin nitong single ticketing system na pag isahin nalang ang existing national at local laws kaugnay ng traffic enforcement pati na rin sa penalties sa mga traffic violations.

Ilan sa karaniwang mga paglabag sa ilalim ng single ticketing system ay ang illegal parking; overloading; defective motor vehicle accessories; dress code violations; obstruction; disregarding traffic signs, number coding, truck bans, at ang tricycle bans.

Itong bagong ticketing system rin daw ay makatutulong upang mabawasan ang kurapsyon at mga negosasyon sa gitna ng motorista at opisyal.