-- Advertisements --
edsa

Kinumpirma ni Metro Manila Council (MMC) President at San Juan Mayor Francis Zamora na aprubado na ng technical working group ang final draft ng resolusyon para sa single-ticketing system sa Metro Manila.

Ayon kay Zamora, magiging susunod nilang hakbang ay ang pagtalakay at pag-apruba nito ng mga Metro Manila mayors.

Dagdag pa nito na malaking bagay sa kanila ang naging pahayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tutulungan sila sa reintegration ng mga datos ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan.

Kapag naaprubahan na ng mga mayor ang Metro Manila Traffic Code, kailangang amyendahan ng mga LGU ang kani-kanilang mga ordinansa para sumang-ayon ito nasabing batas.

Target aniya na maipatupad ang single ticketing system sa National Capital Region sa katapusan ng first quarter ng 2023.