-- Advertisements --

Kasalukuyang inaayos na ng Metro Manila Council (MMC) ang ilang requirerments para sa digital payment platforms upang maisakatuparan ng tuluyan ang single ticketing system sa National Capital Region.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Romando Artes, na nasa pilot run pa rin ang nasabing programa.

May mga bahagya silang inaayos para sa nasabing full-implementation ng nasabing programa.

Nanawagan naman si Metro Manila Council president at San Juan City Mayor Francis Zamora sa mga digital payment platforms na magkaroon ng unified bond sa lahat ng 17 government units sa Metro Manila.