-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Singaporean swimming Olympic gold medalist na si Joseph Schooling na ito ay magreretiro na.

Sa social media account nito, sinabi ng 28-anyos na swimmer na tuluyan na itong magreretiro sa pakikipaglahok.

Dagdag pa nito na nais niyang mabuksan ang panibagong kabanata ng kaniyang buhay at ito na ang panahon para tuluyang magretiro.

Si Schooling na tinaguriang ‘Flying Fish’ ng Singapore ay gumawa ng pangalan ng talunin ang tinaguriang idolo nito sa swimming na si Michael Phelps sa 100 meters butterfly sa oras na 50.39 seconds noong 2016 Rio Olympics.

Siya ang nag-iisa at kauna-unahang Olympic gold medalist ng Singapore hanggang sa kasalukuyan.