Tiniyak ng Malacañang na malaya ang 64 na kawani at opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na kwestiyonin ang naging pagsibak sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na sila magtataka kung maghahanap ng legal remedies ang mga BOC personnel na isinasangkot sa korupsyon.
Ayon kay Sec. Panelo, sa pagharap ni Pangulong Duterte kagabi sa mga empleyado at opisyal ng BOC tiniyak umano ng pangulo na ibibigay sa mga ito ang due process at pagkakataong idipensa ang sarili sa korte.
Inihayag pa ni Sec. Panelo na pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang mga BOC employees sa pagpunta sa Malacañang dahil kahit papano ay senyales pa rin itong iginagalang siya bilang pangulo.
Kinumpirma ni Sec. Panelna inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga umano’y tiwaling mga kawani at opisyal ng BOC.