-- Advertisements --

Dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga kaya sinibak sa pwesto ang chief of police ng Bacolod City na si PSSupt. Francisco Ebrero kung saan mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos.

Bukod kay Ebreo sibak din sa pwesto sina PSupt. Ritchie Yatar, PSupt. nasruddin Tayuan, PSI Victor Paulino at PSSupt. Allan Rubi Macapagal.

Ayon kay PRO-6 regional police director CSupt. John Bulalacao, hindi nagawang sugpuin ni Ebreo ang pagkalat ng iligal na droga sa Bacolod dahil pino-protektahan nito ang ilang mga police commissioned and non-commissioned officers ng Bacolod PNP na sangkot sa illegal drugs.

Sinabi ni Bulalacao na kasalukuyang mananatili muna sa Regional Personnel Holding And Accounting Unit ang limang opisyal habang iniimbestigahan.

Aminado naman si Bulalacao na hindi niya lubos maisip na protektor ng iligal na droga ang hepe ng Bacolod PNP.

“Anyway we will be conducting an investigation at kailangan pa rin namin magkaroon ng ebidensya para formally they need to be charged administratively and criminally, meron kaming mga ebidensya laban sa kanila,” pahayag ni Bulalacao.

Samantala, nag-assume naman bilang bagong chief of police ng Bacolod si PSSupt. Henry Binas epektibo kahapon January 12,2019.

“Nakaupo na ngayon ay SSupt. Henry Binas. Siya yung erstwhile personnel officer namin dito sa region.

Tinalaga ko muna syang caretaker o officer-in-charge para hindi madisrupt yung
operation ng ating Bacolod City Police Office,” paliwanag ni Bulalacao.

Samantala, ayon naman kay PNP Spokesperson CSupt. Benigno Durana ,hindi naman basta basta ipa sisibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasabing opisyal ng Bacolod PNP kung wala ga itong sapat na basehan.