-- Advertisements --

Naniniwala ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na makatutulong ang sining hindi lamang sa pang araw araw nating gawain kundi para sa healing o paghilom ng mga suliranin.

Sa katunayan, sinabi ni Edward Perez, national committee on dramatic arts ng ncca, na nitong nagdaang ilang taon ginamit ang sining bilang paraan ng panggagamot sa mga taong naapektuhan ng pandemya ang mental health.

Kaya naman sinabi ni perez na isusulong nila ang pagkakaroon ng mga aktibidad para matugunan ang mga isyu tulad ng community conflicts o krisis sa mga komunidad.

Ayon kay Perez, magiging daan ang sining para magkasundo sundo at magka usap usap ang komunidad.

Gagawin ang pagpapasinaya sa mga aktibidad sa february 12, sa pamamagitan ng ibat ibang aktibidad na magtataguyod ng ibat ibang porma ng sining tulad ng theater plays, conferences, webinars, cinema presentations, dance performances at iba pa.