-- Advertisements --

Magbibigay ng 550 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang Chinese drug makers na Sinopharm at Sinovac sa COVAX program ng WHO.

Ito ang nilalaman ng kasunduan na pinirmahan ng Sinovac at Sinopharm at ang Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI).

Sa nasabing kasunduan mayroong 170 milyon doses ang Sinopharm at 380 milyon shot ng Sinovac ang isusuplay.

Mahalaga ang nasabing kasunduan dahil sa patuloy ang pananalasa ng Delta variant.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang Gavi kung saang mga bansa ipamimigay ang nasabing mga bulto-bultong bakuna.