Naglunsad ng kauna-unahang clinical trial ang chinese drug maker na Sinopharm kasama ang University of Hongkong (UHK) para sa paglikha ng bakuna target ang highly transmissible na Omicron variant.
Ibinahagi ng research teams sa isang joint press conference na lumalabas na ang Omicron variant ay may kakayahang malabanan ang bakuna na makakapaapekto sa efficacy at proteksyong naibibigay ng kasalukuyang available na COVID-19 vaccines dahil sa paghina ng antibodies sa paglipas ng panahon kung kayat kailangan na magkaroon ng Omicron-targeting vaccine.
Ayon sa Sinopharm sinisimulan na nito ag pag-develop ng bakuna matapos na makatanggap ng Omicron virus genome na mula sa isang traveler mula sa South Africa noong Nobyembre ng nakalipas na taon .
Target na makumpleto ng researchers ang recruitment process para clinical trial kabilang ang nasa 1,800 na malulusog na adult volunteers sa buwan ng Hulyo at makumpleto ang vaccination sa buwan ng Agosto.
Sa naturang trial, nasa 900 participants ang makakatanggap ng 2 o 3 doses ng covid19 inactivated vaccine at 900 participants din ang mabibigyan ng 2 o 3 shots ng mRNA vaccine.
Mayroong 28 araw na interval ang pagtuturok ng doses ng naturang bakuna.
Inaasahang magiging handa ang data analysis ng clinical trial sa Oktubre at ang timeline para sa aplikasyon sa registration at EUA ng bakuna at maging available sa publiko sa Nobiyembre.