-- Advertisements --

Nabigyan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ng emergency use authorization para sa COVID-19 vaccination ang Chinese company na Sinopharm.

Sinabi ni FDA director general Dr. Eric Domingo, pinag-aralang mabuti ng mga eksperto ang application ng Sinopharm at nitong Lunes ay kanila na itong inaprubahan.

Duterte vaccinated Sinopharm

Nauna nang inaprubahan ng World Health Organization (WHO) noong Mayo ang COVID-19 vaccine ng Sinopharm para sa emergency use at ito rin ang unang Chinese vaccine na nabigyan ng go-signal ng WHO.

Bukod aniya sa Sinopharm ay mayroon na ring emergency use ng WHO ang mga bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson and Johnson at AstraZeneca na gawa sa India at South Korea.

Magugunitang nagamit na rin ng mga Presidential Security Group ni Pangulong Rodrigo Durterte ang Sinopharm at nitong Mayo ay mismong ang pangulo ay nagpaturok na ng Sinopharm kung saan si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III pa ang nangasiwa sa pagbabakuna.