-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Hungary ang paggamit ng Chinese made Sinopharm vaccine para sa kanilang mamamayan.
Ang Hungary ang pinakaunang European Union member na nag-apruba ng bakuna mula China.
Sinabi ni Chief Medical Officer Cecilia Muller, mismong ang National Institute of Pharmacy and Nutrition ang nag-apruba ng nasabing bakuna.
Bago ito inanunsiyo ni Foreign Minister Peter Szijjarto na nasa 5 million doses ng bakuna ang bibilhin ng kanilang bansa para sa halos 3 million katao mula sa 9.8 million na populasyon ng Hungary.