-- Advertisements --

Inilabas ng pag-aaral ng mga eksperto mula sa Malaysia na epektibo ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac sa mga malubhang sakit.

Base sa pag-aaral na isinagawa ng gobyerno ng Malaysia na mayroon lamang 0.011% sa 7.2 milyon na naturukan na ng Sinovac ang dinala sa ICU.

Sinabi ni Kalaiarasu Peariasamy, ang director ng Institute for Clinical Research na isinagawa sa pag-aaral ng national COVID-19 task force, kahit anong brand ng COVID-19 vaccine ay nagbabawas sa pagkaka-admit ng isang pasyente sa ICU at nagpapababa ng kamatayan ng hanggang 88% base sa pag-aaral ng nasa 1.26 milyon katao.

Magugunitang umani ng batikos ang Sinovac COVID-19 vaccine dahil daw sa mababang effectivity nito matapos ang ulat na nadadapuan pa rin ng virus ang mga healthcare workers kahit sila ay bakunado sa Indonesia at Thailand.