-- Advertisements --
Humihirit ng emergency use authorization (EUA) ang Chinese company na Sinovac para magamit ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga may edad 3 hanggang 17-anyos.
Sinabi ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nagsumite ng ammendments ang nasabing kompaniya para sa paggamit ng bakuna sa nabanggit na edad.
Pagdedesisyunan pa ng mga eksperto ng FDA ang nasabing pakay ng Sinovac sa loob ng isang buwan.
Noong nakaraang buwan kasi ay inaprubahan ng China ang naturang bakuna na maaring gamitin nila sa edad 3 hanggang 17 taon.
Aprubado rin ng FDA noong nakaraang mga linggo ang Pfizer na maaaring gamitin sa mga minor de edad ng hanggang 12-anyos.