-- Advertisements --
Pasok umano sa tinatawag na “best friend forever” o BFF price ang mga bakuna ng China na Sinovac.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry matapos lumabas ang mga ulat na pumapangalawa ang Sinovac sa pinakamahal na bakuna na umaabot sa P3,629 ang dalawang doses.
Ayon kay Sec. Roque, nabigyan tayo ng presyo ng bakuna na naaayon lamang sa kanilang BFF.
Inihayag pa ni Sec. Roque na komunista ang China at ang presyuhan nila ng mga bakuna ay hindi market driven bagkus ito ay “unilaterally fixed.”
Sa katunayan umano ay nasa pangatlong pinakamahal ang Sinovac mula sa anim na mga brands ng bakuna na nangangahulugang nasa mid-range lamang ang presyuhan nito.