-- Advertisements --
Ligtas sa mga bata at mga may edad ang Coronavac o kilala din bilang Sinovac vaccine para sa COVID-19 na gawa ng China.
Ito ang lumabas na pag-aaral mula sa nangungunang medical journal sa buong mundo na The Lancet Journal.
Mayroong magandang “humoral responses” ang nasabing bakuna kahit sa mga batang may edad 3-hanggang-17-anyos.
Base sa pag-aaral ng dalawang doses na naiturok sa pagitang ng 28 araw ay nagbibigay ng malakas na antibody response.
Nauna nang sinabi ni Sinovac General Manager Gao Qiang na nagsagawa sila ng masusing pag-aaral at clinical trials para makapagbigay ng sapat na data at immunizatioan sa mga bata at may edad na.