Inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) para sa emergency use ang COVID-19 vaccine na Sinovac Biotech ng China.
Dahil dito, makakasama na ang Sinovac sa COVAX facility na siyang nangangasiwa sa mga bakuna para sa mga mahihirap na bansa.
Ayon sa independent panel of experts ng WHO na kanilang nirerekomenda ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pataas.
Nagsimulang pag-aralan ng technical advisory group ng WHO ang nasabing clinical data noong Mayo at lumabas na ito ay ligtas.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na isang malaking tulong sa mga mahihirap na bansa ang nasabing bakuna.
Nauna nang inaprubahan ng WHO ang Sinopharm vaccine na gawa rin ng China habang nasa pag-aaral pa rin ang ikatlong bakuna ng China na gawa ng CanSino Biologics.