Ipinapakita ng isinagawang clinical trials sa tatlong brand ng COVID-19 vaccine na Sinovac, Pfizer at Moderna na itinuturok ngayon sa bansa ay ligtas rin para sa mga minors ayon sa kasapi ng Interim national Immunization Task Group for COVID-19.
Ayon kay Dr. Mary Ann Bunyi, na isa ring miyembro ng Philippine Pediatric Society and Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines, pagdating sa efficacy, lumalabas sa preliminary results mula sa Pfizer vaccine trial na nakapgbibigay ito ng dagdag proteksyon sa mga menor de edad.
Kamakailan inaprubahan ng FDA ang emergency use ng Pfixer vaccine para sa mga menor de edad na 12 hanggang 15-anyos.
Sang-ayon naman si Bunyi sa polisiya ng national government na iprayoridad ang mga matatandang populasyon kabilang ang mga health care workers, seniors at mayroong comorbidities dahil limitado pa sa ngayon ang supply ng bakuna.
Pinaliwang naman ni Bunyi ang ilang mga naiulat na ilang mga indibidwal edad 16 hanggang 26-anyos ang nakaranas ng myocarditis o heart inflammation matapos na mabakunahan ng Pfizer vaccine, kailangan aniya na mapag-aralan bago makumpirma kung ang bakuna ang dahilan ng pagkakaroon ng heart ailment.