Nilinaw ng Chinese biopharmaceutical company na Sinovac na walang kinalaman sa kanilang COVID-19 vaccine ang naitalang serious adverse event sa isinsagawang clinical trial nito sa Brazil.
“After communicating with the Brazilian partner Butantan Institute, we learned the head of Butantan Institute believed that this serious adverse event (SAE) is not related to the vaccine,” nakasaad sa statement.
Batay sa ulat, itinigil ng National Health Surveillance Agency ng Brazil ang Phase 3 trials ng Sinovac matapos ang incident report noong October 29.
Hindi malinaw kung anong serious event ang naiulat sa gitna ng clinical trial na nagsimula noong Hulyo.
Ayon sa Sinovac, patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Brazil kaugnay ng report.
Naniniwala naman daw sila na ligtas ang kanilang developed vaccine laban sa COVID-19.
“The clinical study in Brazil is strictly carried out in accordance with GCP requirements and we are confident in the safety of the vaccine.”
Kamakailan nang sabihin pa ng Butatan Institute, ang clinical research organization na partner ng kompanya sa trials, na ligtas ang bakuna ng Sinovac laban sa COVID-19.
Dito sa Pilipinas, ang bakuna rin ng Sinovac ang nangunguna sa aplikasyon para makapagsagawa ng clinical trials. Pumasa na ito sa vaccine expert panel, at hinihintay pa ang desisyon ng research ethics board at Food and Drug Administration.