-- Advertisements --

Inianunsyo ngayon ni Presidential Spokesman Harry Roque na darating na sa araw ng Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Sec. Roque, sasalubungin ito ng mga opisyal ng pamahalaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bagama’t hindi pa makumpirma kung kasama rito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Una ng inihayag ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na isasakay ang mga nasabing bakuna sa isang military aircraft.

Ang 100,000 doses ay donasyon ng China para sa Department of National Defense (DND).