-- Advertisements --

Dumating na sa Cebu kaninang umaga ang Sinovac vaccines na bahagi ng 600,000 donasyon sa bansa ng People’s Republic of China.

Aabot naman sa 7,200 na mga shots ng bakuna ang lulan ng Philippine Airlines.

Agad itong dineritso sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at doon nakaimbak kung saan sinaksihan naman ang pagdating ng bakuna nina Cebu City Vice Mayor Michael Rama at IATF Visayas Chief Implementer Melquiades Feliciano.

Hindi bababa sa 600 healthcare workers ng nasabing pagamutan ang handang magpabakuna sa darating na Huwebes Marso 4 na siyang ceremonial kick-start ng COVID-19 vaccination program.

Inamin pa ng mga opisyal na nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng magpabakuna matapos nagkaroon ng pagbabago sa vaccine rollout sa Cebu.

Samantala, sinabi pa ni Dr. Mary Jean Loreche na inaasahan nilang dadating sa susunod na linggo ang isa pang batch ng Sinovac vaccines dito sa Cebu.