Direktahan nang inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Aaron Aquino na sadya siyang tinawagan ni Philippine National Police (PNP) Gen. Oscar Albayalde para huwag aksyunan ang isyu ng mga tauhan nitong nasangkot sa isang kontrobersyal na raid.
Sila ang itinuturong “ninja cops” dahil sa hindi idineklarang dami ng nakumpiskang droga.
Mula sa 200 kgs tanging ang mahigit 30 kgs lamang ang sinabi umano ng mga pulis.
Ayon kay Aquino, tinawagan siya ni Albayalde at sinabing huwag muna sana nitong ipatupad ang aksyon laban sa mga pulis mula sa Pampanga dahil mga tauhan daw niya ito.
Ang nasabing pahayag ay mas malinaw na kumpara sa dating sinabi ng PDEA chief noong nakaraang hearing na tinawagan lamang siya ni Albayalde.
Pero aminado si Aquino na wala na siyang naging tugon sa mosyon ng mga pulis na pinasisibak dahil nagpalit sila ng legal officer at inabutan na rin ng kaniyang pagreretiro.
Sa panig naman ni Albayalde, iginiit nitong hindi niya inimpluwensyahan ang nasabing kaso.
“It can be implemented at the national level. Yun din po ang tinatanong natin,” wika ni Albayalde.